Plane crash uli: 4 dedo
May 25, 2005 | 12:00am
Isang piloto ng Philippine Air Force (PAF) at tatlong student pilot ang nasawi makaraang aksidenteng bumagsak ang Cessna plane sa kanilang sinasakyan limang minuto matapos itong mag-take-off sa Loakan airport sa Baguio City nitong Martes ng umaga.
Ayon kay PAF spokesman Lt. Col. Restituto Padilla ang insidente ay naganap dakong 11:30 ng umaga habang pabalik na sa Lipa City ang 4-seater, single engine Cessna plane T-41 Delta mula sa isinagawang training flight.
Kinilala ang mga biktimang sina 1st Lts. Roberto Manlongat, piloto ng Cessna at student pilots na sina Rudy Gabriel, Aristotle Amboloan at Dennis Abaygar na pawang miyembro ng PMA Class 2001.
Sa inisyal na imbestigasyon nabatid na sumabit sa power line ang eroplano at sumalpok pa sa mabatong bangin ng bulubunduking bahagi ng Barangay Atok Trail bago ito tuluyang bumagsak sa compound ng Texas Instruments Philippines Inc. may pitong kilometro ang layo sa Loakan airport .
Nabatid na ang Cessna planes ang ginagamit ng PAF sa kanilang training flight.
Magugunita na kamakalawa lamang ay isa ring Cessna plane ng PAF ang nag-emergency landing sa Tanauan City, Batangas at masuwerteng nakaligtas sa insidente ang dalawang Amerikano at isang Filipino na naganap naman habang patungo sa Metro Manila galing Boracay ang naturang sasakyang panghimpapawid.
Kasalukuyan pang iniimbestigahan ng PAF ang sanhi ng pagbagsak ng naturang aircraft. (Ulat nina Butch Quejada at Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended