^

Bansa

EVAT bill lalagdaan ngayon ni PGMA

-
Nakatakdang lagdaan ngayon ni Pangulong Arroyo ang pagsasabatas ng 10 percent na Expanded-Value Added Tax (E-VAT) matapos ratipikahan ito ng Senado.

Ayon kay Press Secretary Ignacio Bunye, bago simulan ang legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) sa Palasyo ay pipirmahan ng Pangulo ang nasabing tax measures.

Nakapaloob sa nasabing panukala ang pagbibigay ng stand-by authority sa Pangulo kung saan ay maaaring itaas nito sa 12 percent ang VAT sa taong 2006.

Dahil dito, puwede ng patawan ng VAT ang kuryente, produktong petrolyo habang ang corporate income tax na dating 32 % ay magiging 35 percent na subalit sa taong 2009 ay magiging 30 percent na lamang ito.

Ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) ay kabilang sa papatawan ng buwis at maging ang domestic air at sea transport ay kasama rin sa mapapatawan ng VAT. Maging ang mga doktor at abugado ay hindi na rin ligtas sa pagbabayad ng VAT.

Samantala, nakatakdang kwestyunin naman ng oposisyon sa Korte Suprema ang pagbibigay ng stand-by power sa Pangulo para itaas ng 2 porsyento ang VAT sa Enero 2006. (Ulat ni Ellen Fernando)

vuukle comment

ANG PHILIPPINE AMUSEMENT AND GAMING CORPORATION

AYON

DAHIL

ELLEN FERNANDO

EXECUTIVE DEVELOPMENT ADVISORY COUNCIL

EXPANDED-VALUE ADDED TAX

KORTE SUPREMA

PANGULO

PANGULONG ARROYO

PRESS SECRETARY IGNACIO BUNYE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with