Inulan ng batikos si Cusi at MIAA asst. gen. manager for security and emergency service ret. Gen. Angel Atutubo matapos na pigilan ng mga ito ang NAIA reporters at ilang mediamen na makalapit kay FG upang makapanayam.
"The First Gentleman requested for some privacy and we have to respect that. Hindi ko naman puwedeng i-disregard ang kanyang kahilingan dahil karapatan naman niya (FG) iyon," ani Cusi.
Umalis si FG, anak na si Mikey at kapatid na si Rep. Ignacio Arroyo patungong Singapore sa kalagitnaan ng kontrobersya na tumatanggap ang mga ito ng jueteng money. (Butch Quejada)