^

Bansa

Constructive dialogue susi sa pagsalba ng pre-need education industry

-
Naniniwala ang isang bagong tatag na alyansa ng mga pre-need educational plan holders na apektado sa kagipitang pinansiyal ng Pacific Plans, Inc. (PPI), na makatutulong ang ‘constructive dialogue’ sa paglutas sa mga isyung makakaapekto sa kompanya at sa P175-bilyong industriya ng pre-need sa Pilipinas.

Sa lingguhang media forum na Kapihan sa Sulo press forum sa Quezon City kamakailan, inihayag ni Dave Diwa, chairman ng Coordinating Alliance for Reform and Empowerment in the Pre-Need Industry (CARE-PRE-NEED), na naniniwala sila na ang "confrontational approach" o pamimilit sa PPI management na tupdin ang mga obligasyon nito ay hindi magbubunga ng mabuti sa mga ordinaryong plan holders sa kagyat na hinaharap at pangmatagalang panahon.

Ang CARE-PRE-NEED ay isang alyansang binubuo ng mga labor union, mga samahan ng magsasaka at negosyante, home owner associations, non-government organizations at mga people’s organizations na ang kasapian ay nakakuha ng mga educational plan, kabilang na ang mga nasa PPI.

Samantala, sinabi ni Senate Minority Leader Aquilino Pimentel Jr., sa parehong forum na ang mga problemang kinakaharap ng educational plan industry ay isa nang "pambansang suliranin" na dapat ay tugunan agad ng pamahalaan.

Sinang-ayunan ni Pimentel ang mungkahi ng naturang samahan na nararapat lamang magkaroon ng "constructive engagement" o konstruktibong paghaharap ng lahat ng partidong interesadong maresolba ang nasabing isyu kasabay ng pagdidiin na dapat maparusahan at managot sa batas ang mga responsable sa napipintong pagbagsak ng PPI at pre-need industry. (Doris Franche/Rudy Andal)

COORDINATING ALLIANCE

DAVE DIWA

DORIS FRANCHE

PACIFIC PLANS

PRE-NEED INDUSTRY

QUEZON CITY

REFORM AND EMPOWERMENT

RUDY ANDAL

SENATE MINORITY LEADER AQUILINO PIMENTEL JR.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with