^

Bansa

‘Permit-to-campaign’ aalisin

-
Pasado na sa House Committee on Suffrage and Electoral Reforms ang panukalang batas na naglalayong ipagbawal o i-ban ang ‘permit to campaign’ o PTC tuwing eleksyon.

Layunin ng panukalang inihain nina Akbayan Reps. Loretta Ann Rosales, Mario Aguja at Ana Hontiveros-Baraquel na amyendahan ang Sec. 261 ng BP 881 o Omnibus Election Code kung saan isasama sa listahan ng mga ipinagbabawal tuwing eleksyon ang pagbebenta ng PTC.

Sinabi ng mga mambabatas na nakagawian na ng mga armadong grupo partikular ng New People’s Army (NPA), Communist Party of the Philippines (CCP) at National Democratic Front (NDF) na manghingi ng pera at iba pang bagay sa mga kandidato para makapangampanya sa kanilang ‘teritoryo’ kapalit ng PTC.

Ang ganitong kagawian ay taliwas anila sa prinsipyo at konsepto ng free elections na kabahagi ng democratic process.

Inaalis din ng mga naturang grupo ang karapatan at kalayaan ng sinumang indibidwal at political parties o organizations na makapangampanya saan mang sulok ng bansa para ipakilala ang kanilang plataporma at programa de gobyerno.

Sinabi naman ni dating Rep. Antonio Nachura na gawing hiwalay ang PTC sa kaso ng extortion dahil mas masama at ‘malisyoso’ ang PTC.

Sinuportahan ng Comelec at Commission on Human Rights ang panukala. (Ulat ni Malou Rongalerios)

vuukle comment

AKBAYAN REPS

ANA HONTIVEROS-BARAQUEL

ANTONIO NACHURA

COMMUNIST PARTY OF THE PHILIPPINES

HOUSE COMMITTEE

HUMAN RIGHTS

LORETTA ANN ROSALES

MALOU RONGALERIOS

MARIO AGUJA

NATIONAL DEMOCRATIC FRONT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with