P10-M natipid ng Navy sa simpleng seremonya
May 21, 2005 | 12:00am
Sa kauna-unahang pagkakataon, nakatipid ng P10-M pondo ang Phil. Navy matapos na isang simpleng pagdiriwang ang idaos sa ika-107 taong anibersaryo ng pagkakatatag kahapon kung saan aabot lamang sa P50,000 ang nagastos.
Ayon kay Navy Chief Vice Admiral Ernesto de Leon, ang pagtitipid ay bahagi ng ipinatutupad na austerity measure ng pamahalaan kung saan ang natipid na pondo ay ilalaan na lamang sa mga operasyon ng mga units ng hukbong dagat ng bansa.
Sa nasabing okasyon ay tumanggap ng parangal ang 7 sundalo, dalawang operating units, isang Naval ROTC unit, hinirang ang BRP Bagobo (AT293) bilang pinakamahusay sa mga barko ng PN at tatlong sibilyan rin na kumatawan sa kanilang mga organisasyon.
Kabilang sa mga organisasyon na pinagkalooban ng parangal ng Phil. Navy ay ang ABS-CBN Foundation sa pagsuporta sa hukbo sa pagkilala sa kabayanihan at sakripisyo ng mga kasapi ng nasabing unit ng militar. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am