^

Bansa

‘Magpakita kayo ng pruweba na tumanggap ako’ – Mikey

-
Hinamon ni Pampanga Rep. Juan Miguel ‘Mikey’ Arroyo ang tatlong testigo umano sa operasyon ng jueteng na maglabas ng katibayan na personal nitong tinanggap ang umano’y payola para sa walang-habas na operasyon nito sa bansa.

Sa isang pulong pambalitaang ginanap sa Batasan Complex, ipinagdiinan ng Presidential Son na wala siyang ugnayan anuman sa illegal na sugal, lalong-lalo na ang tumanggap ng salapi para sa operasyon nito sa Central Luzon.

Malugod ding sinuportahan ni Arroyo ang isasagawang imbestigasyon ng Ombudsman at ng DOJ hinggil sa nasabing usapin at umaasa ito na magiging mabilis ang isasagawang pagsisiyasat upang agarang malinis ang kanilang pangalan. "We welcome the probe as this will provide us the opportunity to clear our names from allegations of involvement in jueteng operations. We challenge the so-called jueteng witnesses to come out and substantiate their allegations and put them down in writing," ani Arroyo.

Naniniwala rin ang kongresista na ang alegasyon laban sa kanya at sa ama nitong si Atty. Mike Arroyo ay walang katotohanan at malisyoso.

Pumutok ang pangalan ng mag-ama ng ituro itong tumatanggap ng pera ng tatlong testigo na nasa pangangalaga ni Sen. Panfilo Lacson.

Ang nasabing mga testigo ay sina Rey Julius Reba alyas B1, ng Oas, Daraga, Albay at tumakbong kongresista sa 3rd district ng Albay kung saan tinalo ito ni Rep. Joey Salceda; isang Amado Boy Mayor alyas O1 at ang barangay chairman ng Bgy. Cagas, Daraga, Albay. Si Reba ang nagpakilalang bagman ni dating pres’l assistant on Bicol Affairs Mario Espinosa na may basbas daw mula kay First Gentleman Arroyo. (Ulat nina Malou Rongalerios/Rudy Andal)

ALBAY

AMADO BOY MAYOR

BATASAN COMPLEX

BICOL AFFAIRS MARIO ESPINOSA

CENTRAL LUZON

DARAGA

FIRST GENTLEMAN ARROYO

JOEY SALCEDA

JUAN MIGUEL

MALOU RONGALERIOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with