4 Pinoy seamen instant milyonaryo

Magandang balita! Biglang milyunaryo ang apat na marinong Pinoy na nagsuplong sa mga awtoridad sa Estados Unidos na nagtatapon ng maruming kemikal at iba pang bulok na basura ang kanilang kumpanya sa Pacific Ocean.

Ayon kay DFA Sec. Alberto Romulo, nakatakdang ibigay ngayong araw na ito ni US Charge d’ Affairs Joseph Mussomeli ang $250,000 na may katumbas na P13.7 milyon sa apat na Pinoy seamen. Tatanggap sina Jonathan Sanchez, Jimmy Piamonte, Jorentino Tolentino at Michael Santillan ng tig-$3.4 milyon bawat isa. Ang apat ay pawang tripulante ng barkong MV Katherina.

Ang pagkakaalam umano ng apat ay isa lamang cargo vessel ang sinasakyan nilang barko ngunit kalaunan ay natuklasan nila na kasamang ihahakot ang iba’t ibang uri ng ‘chemical waste’ at iba pang basura saka tinatapon sa Pacific Ocean.

Lihim na nagsumbong ang apat sa US Coastguard at huli sa akto ang nasabing barko. (Ulat ni Mer Layson)

Show comments