^

Bansa

Erap binawalang mag-ikot sa resthouse

-
Taliwas sa payo ni Dr. Christopher Mow kay dating Pangulong Joseph Estrada na maglibot sa kanyang resthouse upang mapraktis ang kanyang ‘bionic’ knee, pinagbawalan kahapon ng Sandiganbayan Special Division ang dating pangulo na maikot ang kanyang buong resthouse sa Tanay, Rizal.

Ayon sa korte, isinuko na ni Estrada ang kanyang karapatan sa resthouse nang gawin niya itong kulungan kaya ang Sandiganbayan ang masusunod kung saan lamang ito maaaring pumunta.

Nauna rito, nilimitahan ng korte ang galaw ni Estrada sa kapilya at pavillion ng resthouse.

Ibinasura rin ang kahilingan ni Estrada na magtayo ng library sa loob ng resthouse. Malaking banta anya sa seguridad nito kung papayagan ang pagtatayo ng library dahil maglalabas-pasok sa resthouse ang mga gagawa nito. (Ulat ni Malou Rongalerios)

AYON

DR. CHRISTOPHER MOW

IBINASURA

MALAKING

MALOU RONGALERIOS

NAUNA

PANGULONG JOSEPH ESTRADA

RESTHOUSE

RIZAL

SANDIGANBAYAN SPECIAL DIVISION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with