Umaasa si Echiverri na malalagpasan niya ang pondong nagkakahalaga ng P1.7 milyon na nakolekta sa unang golf tournament na ginanap sa Club Intramuros Golf Course noong Nobyembre.
Ibinigay ang nasabing halaga sa Gabay Masa Foundation, isang institusyong nagsusulong ng proteksyon at kagalingan ng mga street children.
Sa nasabing institusyon rin mapupunta ang makokolektang pondo sa ikalawang golf tournament.
Dahil dito, hinimok ng alkalde ang mga mahihilig sa golf na makilahok sa 2nd Recom Echiverri Golf Classic na gaganapin sa May 25 sa Philippine Navy Golf Club, Fort Bonifacio, Taguig. Gagawin ang tee off bandang alas-7 ng umaga.
Kinakailangang magbayad ng P2,500 ang mga lalahok para sa kanilang green fee, caddie fee, dinner sa awarding ceremonies, at raffle ticket.
Mayroon ring ipamamahaging give-aways at magkakaroon ng kaunting pagtatanghal.