^

Bansa

Kasong katiwalian vs Lapid

-
Inihahanda na ni CIBAC party-list Rep. Joel Villanueva ang kasong katiwalian laban kay Pampanga Sen. Lito Lapid matapos aminin kahapon ni Benjie Galang, finance officer ng senator na nagbibigay ng libreng 20,000 truck ng buhangin ang dating gobernador ng Pampanga sa isang pribadong kontraktor.

Sa pagdinig ng House committee on good government, ikinuwento ni Galang ang pagbibigay ni Lapid ng 20,000 truckloads ng buhangin sa China Water Construction. Ang nasabing kompanya din aniya ang nakakuha ng kontrata sa P1.2 bilyon mega dike projects sa Pampanga na pinamamahalaan ng DPWH.

Sinabi ni Villanueva na isang gov’t project ang ginagawa kaya hindi dapat binibigyan ng ‘unwarranted benefits’ ang isang pribadong kontraktor. Mismong si Lapid umano ang nag-utos para mabigyan ng libreng buhangin ang kontraktor.

Nag-ugat ang imbestigasyon ng komite kaugnay sa reklamo ni Pampanga Vice Gov. Yeng Guiao sa Kongreso na bumagsak ang koleksiyon ng kapitolyo sa quarrying operation simula nang hawakan ito ni Lapid. (Ulat ni Malou Rongalerios)

BENJIE GALANG

CHINA WATER CONSTRUCTION

JOEL VILLANUEVA

LAPID

LITO LAPID

MALOU RONGALERIOS

PAMPANGA

PAMPANGA SEN

PAMPANGA VICE GOV

YENG GUIAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with