^

Bansa

Erap inalok ni GMA na lumayas

-
Inamin kahapon ni dating Supreme Court chief Justice Andres Narvasa sa Sandiganbayan Special Division na inalok ng administrasyong Arroyo si dating Pangulong Joseph Estrada na ma-exile kapalit ng resignation letter kung saan nakasaad na hindi na siya maghahabol sa puwesto at hindi na manggugulo sa gobyerno ni Arroyo.

Sa pagpapatuloy nang pagdinig sa kasong plunder ni Estrada, sinabi ni Narvasa na ilang beses silang nag-usap ni dating Justice Secretary Hernando Perez mula Enero hanggang Pebrero 2001 para talakayin ang nais ng Arroyo government na umalis ng Pilipinas si Estrada at pumili ng bansang pupuntahan.

Bukod sa resignation letter, sinabi ni Narvasa na hiniling din aniya ni Perez na magsumite ng medical certificate na nagpapakita na kinakailangang magpagamot si Estrada at tutulungan pa ito ng gobyerno.

Inihayag pa ni Narvasa na tinawag ni Perez si Erap na isang "disturbing disruptive factor" kaya kailangang magkaroon ng ‘temporary absence’ ito sa bansa.

Nag-usap aniya sina Perez at Estrada sa bahay ni dating Ambassador Manuel Brillantes sa Forbes Park, Makati noong Pebrero 7, 2001. Matapos ang 15-minutong pag-uusap ay agad na bumalik si Estrada sa bahay nito sa Polk St. kasama si Narvasa kung saan sila naman ang nag-usap.

Ayon kay Narvasa, nagsabi sa kanya si Estrada na iniipit na siya masyado subalit lalaban na lamang siya.

Samantala, sinabi ni Special Prosecution Dennis Villa-Ignacio na walang impact ang testimonya ni Narvasa sa kaso dahil wala naman itong kinalaman sa mga ebidensiyang iprinisinta sa anti-graft court.

Hindi na nagsagawa ng cross-examination si Villa-Ignacio kay Narvasa dahil wala namang kinalaman ang testimonya nito sa usapin ukol sa jueteng collection, tobacco excise tax, Erap Muslim Foundation at Belle shares. (Ulat ni Malou Rongalerios)

AMBASSADOR MANUEL BRILLANTES

ERAP MUSLIM FOUNDATION

ESTRADA

FORBES PARK

JUSTICE ANDRES NARVASA

JUSTICE SECRETARY HERNANDO PEREZ

MALOU RONGALERIOS

NARVASA

PANGULONG JOSEPH ESTRADA

PEBRERO

PEREZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with