Dahil dito, tinatayang mahihigitan pa ang $1.461 billion remittance ng mga marinong Pinoy sa nagdaang taon. Sa muling pagbisita sa Pilipinas ni Kjell Ove Breivik, director for ship management ng JO Tankers, ipinagmalaki nito ang pag-angat ng kanilang kumpanya nitong 2004 at first quarter ng 2005.
Upang mas mapanatili ang competitive edge ng JO Tankers, ipinahayag ni Breivik ang pagbibigay prayoridad sa pag-eempleyo ng Pinoy senior officers. Papalitan ng mga Pinoy ang ilan nilang European counterparts at mga tripulanteng Indonesians. Target ng JO Tankers na makakuha ng 780 Pinoy officers sa pagtatapos ng taong 2006. Sa ngayon, 22 sa kabuuang 30 barko ng JO Tankers ang pinatatakbo na ng may 588 opisyal at tripulanteng Pinoy. (Ulat ni Mer Layson)