Libel ni FG Arroyo vs Lacson ibinasura
May 18, 2005 | 12:00am
Binalewala kahapon ng Manila Regional Trial Court (RTC) ang kasong libelo na isinampa ni First Gentleman Mike Arroyo laban kay Sen. Panfilo Lacson at Lito Banayo.
Sa 12-pahinang desisyon ni Manila RTC Judge Marquez ng Branch 40, walang nakitang probable cause ang korte sa limang counts na libel charges na isinampa ni FG Arroyo kay Lacson upang mag-isyu ng arrest warrant laban dito.
Magugunita na naghain ng libel si Arroyo kay Lacson matapos paulit-ulit na sabihin ni Lacson sa media sa press conference at sa kanyang privilege speech na ang Unang Ginoo ang siyang may bultong bank accounts sa Union Bank at International Exchange Bank noong Agosto 20-22, 2003.
Tinukoy rin ni Lacson na si Arroyo si Jose Pidal at kasabwat ang kanyang sekretaryang si Vicky Tho sa paglabas ng pera sa bansa.
Kasama ni Lacson sa kaso si dating Political Adviser Lito Banayo na dinismis rin ang kaso. (Ulat ni Gemma Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest