Ito ang naging babala kahapon ni Ilocos Norte Rep. Imee Marcos kaugnay sa umiinit na isyu ng jueteng.
Sinabi ni Marcos na siguradong isang hakbang ang binabalak ngayon ng mga gambling lords kung saan ilalabas ng mga ito ang pangalan ng journalists na kumakalaban sa sugal na jueteng at palalabasin na tumatanggap ang mga ito ng pera mula sa ilegal na sugal upang tumigil na sa pagbatikos sa ilegal na sugal.
Malaking halaga na ng pera aniya ang nawawala sa mga gambling lords kaya gaganti ang mga ito sa pamamagitan nang paninira at pananakot.
Milyong piso ang maaaring ilaan ng mga gambling lords sa kampanya laban sa media at target ng mga ito ang mga reporters kabilang na ang mga columnists, at mga broadkaster ng telebisyon at radio, pahayag pa ni Marcos.
Malamang anya na ipakalat ng mga gambling lords sa Senado at Lower House ang nasabing blue book, gayunman hindi aniya ito dapat paniwalaan. (Ulat ni Malou Rongalerios)