Bangkay ni Punongbayan, kilala na
May 17, 2005 | 12:00am
Nakilala na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang bangkay ni dating Phivolcs director Reynaldo Punongbayan dahil sa isinagawang DNA test sa isa sa mga nadiskubreng paa.
Sinabi ni NBI director Reynaldo Wycoco, kinumpirma ng kanilang mga forensic experts sa isinagawang DNA test sa mga piraso ng katawan na nakuha sa crash site sa barangay Ligaya, Gabaldon, Nueva Ecija na isa sa mga ito ay si Director Punongbayan.
Bukod kay Punongbayan, nakilala na rin ang siyam pang kasamahan nito na nasawi rin sa bumagsak na helicopter at positibong nakita rin ang mga labi nito.
Umabot sa mahigit 2 linggo ang ginawang pagsusuri sa mga labi matapos ang trahedya noong Abril 28 dahil sa matinding pagkasunog ng mga bangkay.
Kasama ni Punongbayan na nasawi sa trahedya sina Orlando Abengoza, Dr. Norman Tungol, Dr. Jessie Daligdig, Dindo Javier, pawang mga experts ng Phivolcs; 1st Lt. Reynaldo Gerrodias, 1st Lt. Jason Salazar, S/Sgt. Edgar Ramolete at Wilbert Tacatac na pawang crew ng helicopter. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended