Sinabi ni Navy chief Rear Admiral Ernesto de Leon, ipinakalat na nila ang mga miyembro ng TF Stingray para magbantay sa ating karagatan pati ang mga beach resorts upang hindi makaporma ang mga terorista.
Layunin ng Navy na huwag nang maulit ang nangyari sa Dos Palmas resort na nagdulot ng matinding kahihiyan sa bansa sa buong mundo.
Winika pa ni de Leon, lalong mapapalakas ang paglaban sa terorismo kung magkakaroon ng modernisasyon sa AFP partikular sa PN at Philippine Air Force (PAF) upang lalong mabantayan ang pagpasok ng mga hinihinalang terorista.
Samantala, sinabi kahapon ni MIAA general manager Alfonso Cusi na huwag munang husgahan kung epektibo o hindi ang bagong sistema na kanilang ipinatutupad sa NAIA terminal 1.
Ayon kay Gen. Angel Atutubo, assistant manager for security and emergency services, ang ipinatutupad nilang bagong sistema sa NAIA terminal 1 ay alinsunod naman sa panuntunan ng International Civil Aviation Organization na ipinatutupad sa lahat ng paliparan sa buong mundo. (Ulat nina Joy Cantos/Butch Quejada)