^

Bansa

Anti-terrorism pinalakas ng Navy

-
Pinalakas ng pamunuan ng Philippine Navy (PN) ang kanilang anti-terrorism campaign sa pamamagitan ng kanilang Task Force Stingray upang bantayan ang mga popular na beach resorts sa bansa na posibleng maging target ng mga terorista.

Sinabi ni Navy chief Rear Admiral Ernesto de Leon, ipinakalat na nila ang mga miyembro ng TF Stingray para magbantay sa ating karagatan pati ang mga beach resorts upang hindi makaporma ang mga terorista.

Layunin ng Navy na huwag nang maulit ang nangyari sa Dos Palmas resort na nagdulot ng matinding kahihiyan sa bansa sa buong mundo.

Winika pa ni de Leon, lalong mapapalakas ang paglaban sa terorismo kung magkakaroon ng modernisasyon sa AFP partikular sa PN at Philippine Air Force (PAF) upang lalong mabantayan ang pagpasok ng mga hinihinalang terorista.

Samantala, sinabi kahapon ni MIAA general manager Alfonso Cusi na huwag munang husgahan kung epektibo o hindi ang bagong sistema na kanilang ipinatutupad sa NAIA terminal 1.

Ayon kay Gen. Angel Atutubo, assistant manager for security and emergency services, ang ipinatutupad nilang bagong sistema sa NAIA terminal 1 ay alinsunod naman sa panuntunan ng International Civil Aviation Organization na ipinatutupad sa lahat ng paliparan sa buong mundo. (Ulat nina Joy Cantos/Butch Quejada)

vuukle comment

ALFONSO CUSI

ANGEL ATUTUBO

BUTCH QUEJADA

DOS PALMAS

INTERNATIONAL CIVIL AVIATION ORGANIZATION

JOY CANTOS

PHILIPPINE AIR FORCE

PHILIPPINE NAVY

REAR ADMIRAL ERNESTO

TASK FORCE STINGRAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with