^

Bansa

Negosyong pera padala ng jueteng lords pinabubusisi sa Anti-Money Laundering

-
Nanawagan ngayon ang mga pinuno sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa Anti-Money Laundering Council na siyasatin ang paggamit sa negosyong pera padala ng mga jueteng lord upang legal na maipasok sa bangko ang mga kinita nito mula sa ilegal na paraan.

Naniniwala sina House committee on games and amusement chairman Joel Mayo Almario at committee on entrepreneurship development chairman Wilhelmino Sy-Alvarado na ang paggamit ng mga jueteng lord sa remittance system ay sumasalamin sa kung gaano kasama ang sistema ng pagbabangko sa bansa.

Ayon pa kay Almario, kahit sino ay maaaring pumasok sa negosyo ng pagpapadala ng pera sa Pilipinas ng mga OFWs, jueteng lord man kaya’t nararapat lamang na magkaroon ng regulasyon hinggil dito.

Ginawa ng mga kongresista ang panawagan makaraang mapaulat na pumasok na rin sa negosyong pera padala ang mga jueteng lord, kung saan gumagamit ang mga ito ng ‘point man’ na siyang nagsisilbing tulay sa pagitan ng mga OFWs at jueteng lord.

Batay sa ulat, ipinapasok ng ‘point man’ sa bangko ang perang nakukuha mula sa mga OFWs samantalang ang perang kinita ng mga jueteng lord mula sa ilegal na sugal naman ang ibinibigay sa kamag-anak nito sa Pilipinas.

Sinabi rin ni Almario na ang pagtangkilik ng mga OFWs sa negosyong pera padala ng mga jueteng lord ay isang indikasyon din na mas pinapaboran ng mga manggagawa sa ibayong-dagat na magpadala ng pera sa pamamagitan ng door-to-door sa halip na ipadaan sa bangko. (Malou Rongalerios)

ALMARIO

ANTI-MONEY LAUNDERING COUNCIL

JOEL MAYO ALMARIO

JUETENG

LORD

MABABANG KAPULUNGAN

MALOU RONGALERIOS

PILIPINAS

WILHELMINO SY-ALVARADO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with