^

Bansa

Bitay sa 21 convicts pinigil ni GMA

- Danilo Garcia -
Muling pinigil ni Pangulong Arroyo ang pagsalang sa lethal injection ng 21 death convict na hinatulang mabitay dahil sa iba’t ibang heinous crimes.

Nakasaad sa unang endorsement letter ni Justice Secretary Raul Gonzalez kay Bureau of Corrections (BUCOR) director Vicente Vinarao ang 90-day reprieve sa 21 sentensiyadong kriminal na dapat ay nabitay na nitong nakaraang buwan ng Abril.

Ngunit ito ay inatras ng Pangulo at muling ineskedyul sa buwan ng Hulyo at Agosto ngayong taon.

Kabilang sa mga convicted criminal na pinalawig pa ang buhay ay sina Arthur Pangilinan y de Guzman, Arnold Lopez y Serrano at Reynaldo Yambot, pawang mga kidnap-for-ransom ang kaso at isasalang sa death chamber sa Agosto 15, 2005.

Kasama rin sa pinagkalooban ng 3-months reprieve ang apat na murderer na sina Jaime Carpo y Abat, Oscar Ibao y Tumenes, Warlito Ibao at Roche Ibao y Tumenes na bibitayin din sa darating na Agosto 15. Nakaligtas din ang 14 death convicts dahil sa mga kasong panggagahasa.

Ayon kay Gonzalez, noon pang Abril 21 ipinadala ni Executive Secretary Eduardo Ermita ang individual orders ng Pangulo para sa postponement ng executions ng mga kriminal.

Idinagdag din ng kalihim na sa kasalukuyan ay pinag-aaralan na ni Pangulong Arroyo ang posibilidad na pagkalooban ng executive clemency o kapatawaran ang mga naturang kriminal.

ABRIL

AGOSTO

ARNOLD LOPEZ

ARTHUR PANGILINAN

BUREAU OF CORRECTIONS

EXECUTIVE SECRETARY EDUARDO ERMITA

JAIME CARPO

JUSTICE SECRETARY RAUL GONZALEZ

OSCAR IBAO

PANGULONG ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with