50% ng mga misis 'mangmang' sa family planning
May 15, 2005 | 12:00am
Kalahati o 50 porsiyento ng mga kababaihang may-asawa ay hindi gumagamit ng family planning dahil sa kakulangan ng impormasyon at kamangmangan sa pagpaplano ng pamilya.
Ito ang natuklasan ng National Demographic Health Survey (NDHS) sa pinakahuli nilang pag-aaral kaugnay sa reproductive health at patuloy na pagtaas ng populasyon ng bansa.
Ayon kay Ramon San Pascual, executive director ng Philippine Legislators, Committee on Population and Development (PLCPD), walang malinaw na polisiya ang gobyerno para matugunan ang problema sa populasyon at reproductive health concerns kaya karamihan sa mga babaeng may asawa ay walang alam sa pagplano ng pamilya.
Natuklasan din na marami sa mga kababaihan ay natatakot na gumamit ng contraceptive dahil sa pangamba na may masama itong epekto sa kalusugan. Lumabas din sa survey na 26% ng mga kababaihan na may edad 15-24 ay agad nagkakaroon ng anak kaya tumataas ang bilang ng mga batang ina.
Ang mga kababaihan din umano sa Pilipinas ay may mataas na fertility rate na 3.5 births at maituturing na mataas kumpara sa mga karatig bansa sa Southeast Asia.
Pabor ang PLCPD sa agad na pagpasa ng kontrobersiyal na panukalang "Responsible Parenthood and Population Management Act" upang mapigil ang paglaki ng populasyon na isa sa pangunahing problema ng bansa. (Ulat ni Malou Rongalerios)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended