Ayon kay Negros Oriental Rep. Herminio Teves, nakakabahala ang nasabing ratio na lumabas sa isang artikulo sa Time Magazine.
Iniulat na ang pagkamatay ng isang opisyal ng Philippine Army ay dahil hindi agad ito nagamot matapos masugatan sa isang sagupaan sa Jolo, Sulu.
Sa naturang ulat na lumabas noong Mayo 9 na may titulong "Under the Gun", inihayag ng balo ni Lt. Col. Dennis Villanueva, 42, commander ng 53rd Infantry Battalion ng Philippine Army na namatay ang kanyang asawa sa isang engkuwentro nang maubusan ito ng dugo matapos na tamaan ng mortar shrapnel nang atakihin ng mga rebeldeng Muslim sa Jolo, Sulu noong Peb. 10.
Bukod kay Villanueva, maraming sundalo na nasusugatan sa labanan ang namamatay dahil sa walang sapat na suplay ng gamot at kagamitan.
Kaugnay nito, umapela si Teves sa Ombudsman na palakasin pa ang isinasagawa nitong lifestyle check sa mga heneral at iba pang matataas na opisyal ng AFP na lumulustay sa pondo ng militar. (Ulat ni Malou Rongalerios)