Ayon kay Robert Kanapi, tagapagsalita ng Shell, ang pagbabago ng presyo ng produktong petrolyo ng Shell ay dahil sa pagbaba ng presyo nito sa pandaigdigang pamilihan. Ipinaliwanag ni Kanapi na nitong nakalipas na buwan ay binabalikat ng kompanya ang presyo ng kanilang produktong petrolyo sa pamamagitan ng paggamit ng kanilang "cross subsidy".
Asahan anya ng mga motorista ang mga pagbaba pa ng presyo ng kanilang mga produktong petrolyo sa mga susunod na araw.
Sinabi pa ni Kanapi na ang 25 sentimos kada litro namang itinaas sa kanilang diesel at kerosene ay mas mababa kumpara sa 50 sentimos na itinaas ng Eastern Petroleum at Petron kamakalawa ng gabi. Ipagpapatuloy pa rin ng Shell ang P1 diskuwento sa kanilang produktong diesel sa may 100 sangay kahit naaprubahan na ang fare hike sa mga pampasaherong dyip at bus. (Ulat ni Edwin Balasa)