Sa sinumpaang salaysay si Atty. Vicente Chuidian, inakusahan nito ang negosyanteng si Hermy Esguerra at half-brother nito na si Rafael Ong Chuidian na nagpalabas ng palsipikadong billing statement mula sa kanyang tanggapan kung saan nakasulat ang halaga ng consultancy fee para sa di pinangalanang tao sa judiciary.
Iginiit ng abogado na ang lumabas na pekeng billing sheet ay ginaya lamang mula sa orihinal na papel na ninakaw umano ng kanyang kinakapatid sa kanyang law office. Bukod dito, una na ring inakusahan ng Petron lawyer si Esguerra nang panunuhol ng may P80-milyon hanggang P100 milyon kapalit ng pag-drop nito sa kasong P277-M damage suit na isinampa ng Petron Corp laban sa Herma Shipping and Transport Corp. na pag-aari ni Esguerra.