Abogado ng Petron sinuhulan ng P100-M
May 11, 2005 | 12:00am
Inakusahan kahapon ng isang abogado ng Petron Corp. ang principal respondent ng multi-million damage suit na inihain ng nasabing oil company na siya ay sinusuhulan ng P80-P100 milyon upang maiurong ang nasabing kaso at "ilaglag" ang kanyang kliyente.
Sa sinumpaang salaysay ni Atty. Vicente Chuidian, sinabi nito na ang respondent na si Hermie Esguerra na nagmamay-ari ng Herma Transport and Shipping Corp. ay gumagawa na ng maruming taktika upang mapuwersa siya na bitawan ang P277 million case na hawak nito na ngayoy nakabinbin sa Manila Regional Trial Court Branch 24.
Sa kabila ng kabiguan na "mabili", sinabi ni Atty. Chuidian na nakipagsabwatan na ngayon ang kanyang mga kalaban sa kinakapatid nito na si Rafael Ong Chuidian na umanoy nagpalabas ng "falsified documents" at "perjured affidavit" na nag-aakusa sa kanya ng "bribery".
Sinabi ng abogado na magsasampa siya ng mga kasong grave coercion, grave threats, perjury, falsification at qualified theft laban sa kanyang half-brother at mga kasamahan nito.
Magugunita na nagsampa nitong nakalipas na buwan ng P277-M damage suit ang Petron laban sa Herma dahil sa "pagnanakaw ng petrolyo" habang inilalakbay nito ang delivery na langis mula sa Bataan refiner sa storage terminals nito sa Pandacan depot sa Maynila mula 1999 hanggang 2004. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended