^

Bansa

Maternity benefits sa single moms

-
Nakahanap ng kakampi sa Senado ang mga dalagang ina nang maghain ng dalawang panukalang batas si Sen. Manuel Villar upang mabigyan ng kaukulang benepisyo ang mga "single moms" dahil na rin sa pagdami ng bilang ng mga babaeng nabubuntis na hindi ikinasal.

Sa ilalim ng Senate Bill 769, mabibigyan ng maternity leave benefits ang mga buntis na kawani ng isang tanggapan kahit na hindi pa ito kasal.

Ang panukalang ito ay sususog sa Article 133 ng Labor Code kung saan nakasaad na ang mga kasal lang na babae ang may karapatang magkaroon ng maternity leave benefits.

"Hindi ko naman hinihikayat ang pagdami ng mga nabubuntis na walang sagradong matrimonya ng kasal. Ngunit kailangan din nating harapin na nagbabago na ang panahon. Ang ina ay ina pa rin maski na siya ay isang dalagang ina o may asawa. Kailangan nating bigyan ng suporta ang lumalaking bilang ng single mothers sa bansa," wika ni Villar.

Ipinaliwanag pa ng mambabatas na karamihan sa mga dalagang ina ay nagtatrabaho kaya’t marapa’t lamang na ipagkaloob sa kanila ang mga benepisyo gaya ng mga may asawang empleyada.

Sa kabilang dako, layunin naman ng Senate Bill 794 ni Villar na pagkalooban ng parehong personal exemption at dagdag na exemption para sa mga anak ng mga dalagang ina at may asawang empleyada.

Kung maisasabatas ito, ang bawat dalagang ina na may isa o 2 menor-de-edad na anak na sa kanya umaasa ay pagkakalooban ng exemption na P32,000 at dagdag na exemption na P8,000 sa bawat dependent. (Ulat ni Rudy Andal)

INA

IPINALIWANAG

KAILANGAN

LABOR CODE

MANUEL VILLAR

NAKAHANAP

NGUNIT

RUDY ANDAL

SENATE BILL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with