^

Bansa

Self defense compulsory sa kababaihan

-
Dahil sa tumataas na bilang ng pang-aabuso at panghahalay sa mga kababaihan, inaprubahan ng House committee on women ang panukalang batas na nag-uutos na gawing compulsory ang pagtuturo ng self-defense sa mga paaralan.

Ang programa na tatawaging MOTHER (Movement to Help Eradicate Rape and Other Female Abuse) na inihain ni Zamboanga del Norte Rep. Roseller Barinaga ay magiging bahagi ang ‘basic self-defense programs’, ng Physical Education program para sa elementary, high school at college.

Ayon kay Barinaga, kailangang magbuo ng isang ahensiya na ilalagay sa ilalim ng Department of Education at Commission on Higher Education upang masigurong maisasama sa curriculum ang self-defense.

Sinuportahan ng Philippine Overseas Employment Agency ang panukala dahil maaari anila itong isama sa pre-departure at pre-employment orientation seminars ng mga kababaihang nais magtrabaho sa ibang bansa. (Ulat ni Malou Rongalerios)

AYON

BARINAGA

DEPARTMENT OF EDUCATION

HELP ERADICATE RAPE AND OTHER FEMALE ABUSE

HIGHER EDUCATION

MALOU RONGALERIOS

NORTE REP

PHILIPPINE OVERSEAS EMPLOYMENT AGENCY

PHYSICAL EDUCATION

ROSELLER BARINAGA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with