Ito ay kaugnay ng patuloy na kampanya ng Private Emission Testing Center Operators Association (PETCOA) sa Mindanao Region laban sa mga tiwaling emission test centers at bilang pagsuporta ng grupo sa Clean Air Act ng pamahalaan.
Sa report ng PETCOA Mindanao na pinamumunuan ni Antonio Yara, nagkaroon din ng "sting operation" sa mga LTO offices sa bayan ng Patin-ay kasama ang Nasipit at Cabadbaran sa Agusan Province.
Ang Sting operation ay isang sistema ng pagrerehistro ng sasakyan na hindi na idinadaan sa smoke emission test at basta na lamang irerehistro sa LTO kapalit ng bayad na P350.
Binigyang-diin ni Yara na patuloy ang kanilang kampanya laban sa mga tiwaling emission test centers hanggat hindi napaparusahan ang mga nagiging sanhi hinggil sa paglubha ng polusyon sa hangin sa bansa. Pitumpung porsiyento ng polusyon sa hangin ay mula sa mga usok ng sasakyan.
Tuloy pa rin ang pagpapatupad ng PETCOA Mindanao sa mga programang data at information banking, visitation and awareness program, lobby sa mga stakeholders at mga awtoridad at ang posibleng pagsasampa ng demanda sa mga tiwaling tauhan ng gobyerno at private sector.
Wala pa ring aksiyon si ARMM-DOTC Caraga Region Director Alim Pangandaman at maging si LTO Chief Anneli Lontoc sa bagay na ito kahit na naipagbigay-alam na sa kani-kanilang tanggapan ang usapin hinggil sa mga nasa likod ng anomalya sa rehistrasyon ng mga sasakyan sa Mindanao. (Ulat ni Angie dela Cruz)