^

Bansa

2 ‘utak’ sa Esperat dakpin! – DOJ

-
Ipinaaaresto na ni Justice Secretary Raul Gonzalez ang dalawang itinuturong utak sa pagpaslang sa kolumnistang si Marlene Esperat.

Ang utos ni Gonzalez ay ipinalabas matapos na hindi siputin nina Osmeña Montanier, hepe ng Budget Division ng Department of Agriculture (DA) sa Region 12, at Estrella Sabay, regional accountant sa nasabi ring opisina, ang isinagawang preliminary investigation sa kaso.

Itinuturo ang dalawa ng isa sa apat na arestadong suspek sa kaso na umano’y nagbayad sa kanila ng P120,000 para patayin si Esperat.

Nangangamba ang pamilya Esperat sa kanilang kaligtasan dahil sa patuloy pa anilang nakakalaya ang mga suspek.

Binigyan naman ni State Prosecutor Nestor Lazaro sina Montanier at Sabay ng pagkakataong humarap sa susunod na pagdinig sa May 13.

Nagbabala ang piskal na kung mabibigo pang sumipot ang mga ito ay ilalabas na ang resolusyon sa kaso base sa hawak na ebidensiya ng DOJ. (Ulat ni Grace dela Cruz)

BINIGYAN

BUDGET DIVISION

CRUZ

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

ESPERAT

ESTRELLA SABAY

JUSTICE SECRETARY RAUL GONZALEZ

MARLENE ESPERAT

MONTANIER

STATE PROSECUTOR NESTOR LAZARO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with