BIR inisnab ni Goma
May 6, 2005 | 12:00am
Inisnab ng actor na si Richard Gomez ang unang preliminary investigation hinggil sa tax evasion case na isinampa laban sa kanya ng Bureau of Internal Revenue (BIR) habang sinampahan naman ng panibagong kaso ang entertainment firm kung saan majority stockholder ito dahil sa hindi pagbabayad ng buwis.
Sa panibagong complaint na inihain ng BIR laban sa Harte Beest Entertainment Corp., kinuwestyon ang hindi pagbabayad ng buwis para sa kinita nito na umaabot sa P35.28 milyon.
Sinabi ng BIR na ang P35.28 milyon ay kabayarang tinanggap ng kumpanya mula sa mga broadcast network sa ABS-CBN at GMA-7 mula 2001 hanggang 2003.
Kasama din sa sinampahan ng kaso ang talent manager na si Douglas Quijano na siyang tumatayong presidente nito.
Lumalabas na nakarehistro ang Harte Beest sa SEC bilang isang entertainment company at si Gomez ang lumalabas na majority stockholder na siyang nagmamay-ari ng 2,400 shares.
Sa datos ng BIR lumabas sa kanilang Integrated Tax System (ITS) na aabot sa P13 milyon ang buwis na tinakasang bayaran ng kumpanya.
Nakatanggap din umano si Goma sa ilalim ng naturang entertainment firm ng talent fee na nagkakahalaga ng P18.25 milyon kung saan hindi rin niya idineklara ito bilang taxable income.
Humirit ang kampo ni Goma sa pamamagitan ni Atty. Glegoric Garupa ng 10 araw upang makapagsumite ng counter-affidavit. Itinakda ang susunod na PI sa Mayo 19. (Ulat ni Grace dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended