7 gobernador isasalang sa jueteng
May 6, 2005 | 12:00am
Pitong gobernador at ilan pang mga lokal na opisyal kabilang na rin ang mga opisyal ng pulisya ang ipapatawag ng Senado kaugnay sa isasagawang imbestigasyon sa jueteng payola scandal.
Nagsumite kahapon si Senate Minority Leader Aquilino Pimentel Jr. kay Sen. Lito Lapid, chairman ng committee on games and amusements, ang listahan ng mga taong gigisahin sa isyu ng jueteng kabilang ang mga suspected jueteng lords subalit walang mga masiao operators mula sa Visayas at Mindanao.
Iginiit ni Pimentel kay Lapid na hatiin nito sa apat na batch ang isasalang ng komite subalit nais nitong unahin ang jueteng lord ng Central Luzon na si Rodolfo "Bong" Pineda, jueteng lord ng Marikina at Metro Manila na si Tony Santos gayundin sina Romeo Lajara ng Baguio City, San Ildefonso Mayor Jessie Viceo ng Bulacan, Ilocos Sur Gov. Luis "Chavit" Singson at Pangasinan Archbishop Oscar Cruz.
Sa ikalawang batch, sina Tarlac Gov. Jose V. Yap; Camarines Norte Gov. Jesus Typoco; Cavite jueteng lord Art Katigbak; Melchor "Ngongo" Caluag, jueteng lord ng Pampanga; Bishop Ramon B. Villena ng Bayombong, Nueva Vizcaya; at ang sinibak na provincial commander ng Region 3 na si Rowland Albano.
Habang sa ikatlong pagdinig ng komite sina Zambales Gov. Vicente Magsaysay; Batangas Gov. Armando Sanchez; Nueva Ecija Vice-Gov. Mariano Cristino Joson IV; Angeles City jueteng lord Mario Garcia; isang jueteng lord na nagngangalang Boy Tangkad at Col. Rodolfo "Boggie" Mendoza, ang PNP official na pinagsususpetsahang nagbunyag sa tatlong kamag-anak ng Malacañang official na tumatanggap ng jueteng payola.
Sa pang-apat na pagdinig, sina Camarines Sur Gov. Luis Raymund Villafuerte Jr.; Customs Commissioner Bert Lina; Quezon jueteng lord Charing Magbuhos; PNP chief Arturo Lomibao; PNP S/Supt. Pat Hernandez at Pampanga Gov. Mark Lapid.
Muling iginiit ng opposition senator kay Lapid na mag-inhibit na ito sa imbestigasyon ng jueteng payola dahil kasama ang anak nitong si Mark bukod pa sa katotohanang ang Pampanga ang jueteng capital ng Pilipinas. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended