^

Bansa

'3 taon pa, jueteng free na ang Pinas' -- Palasyo

-
Matapos ang kaliwa’t kanang pagbatikos sa Arroyo administration hinggil sa walang humpay na sugal na jueteng, nangako kahapon ang Malacañang na sa loob ng tatlong taon ay maaalis na ang nasabing ilegal na sugal sa bansa.

Ayon kay Executive Sec. Eduardo Ermita, tatlong taon ang target ni Pangulong Arroyo upang tuluyang maalis ang jueteng sa bansa kasabay ng isinasagawang imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso hinggil sa pagbubunyag ni Lingayen Archbishop Oscar Cruz sa mga jueteng lords at protectors ng jueteng.

Una na ring inamin ng Palasyo na nahihirapan silang masugpo ang nasabing ilegal na sugal dahil na rin sa pagbibigay ng proteksyon ng ilang indibidwal. Nagpahayag pa na hindi takot ang Arroyo administration sa anumang imbestigasyon makaraang isangkot sa jueteng ang First Family. (Ulat ni Ellen Fernando)

vuukle comment

AYON

EDUARDO ERMITA

ELLEN FERNANDO

EXECUTIVE SEC

FIRST FAMILY

KONGRESO

LINGAYEN ARCHBISHOP OSCAR CRUZ

MABABANG KAPULUNGAN

MALACA

PANGULONG ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with