Ito ang siniguro ng House Committe on Banks and Financial Intermediates matapos na makipagpulong kay AMWSLAI chairman Ricardo Nolasco at ang pagsusumite ng General Evaluation Report mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas.
AMWSLAI financial condition is satisfactory, Solvency, profitability and liquidity ratios exceed acceptable level and capital-to-risk ration assets of 96% is way above the statutory requirement of 10%, ayon sa BSP report na may petsang Aug. 2004.
Tiniyak din ni Nolasco sa komite na nagsasagawa na ng structural at operation reforms ang AMWSLAI upang ito ay makatugon sa mga serbisyo ng kinakailangan ng mahigit 260,000 miyembro ng asosasyon na ikalawa sa pinakamalaking non-stock savings ang loan association sa bansa na may P16 bilyong resources at 36 sangay.
Ang paniniyak ng komite at AMWSLAI sa mga miyembro ay bunsod na rin sa kumakalat na negatibong ulat sa pinansiyal na kalagayan nito. (Ulat ni Malou Rongalerios)