^

Bansa

Malonzo talo uli!

-
Muling nakaiskor ng tagumpay ang mga mamamayan ng Caloocan makaraang magpalabas ng injunction ang korte na pumipigil sa tuluyang pag-upo ng anak ni dating Mayor Rey Malonzo sa Sangguniang Panglungsod kapalit ng yumaong konsehal na si Eduardo "Popoy" Rosca.

Batay sa desisyong ipinalabas ni Caloocan City Regional Trial Court Judge Oscar Barrientos, nakapagbigay ng sapat na dahilan ang petitioner na si Konsehal Nora Nubla upang mag-isyu ng preliminary injunction laban sa pag-upo ni Christopher.

Naniniwala ang korte na maaapektuhan ng pag-upo ni Christopher sa Konseho ang mga residente ng Unang Distrito ng lungsod kung saan nakatira rin si Nubla.

Ayon kay Nubla, matatagalan pa o maaring hindi na maka-upo si Christopher dahil tatalakayin pa ng korte ang buong merito na inihain niyang petisyon.

Inihain ni Nubla ang "Application for the Issuance of a Writ of Preliminary Injunction" laban sa pag-upo ni Christopher sa paniwalang nararapat na siya at ang kanyang partido ang may karapatang magnomina ng kapalit sa puwesto ni Rosca. Sinabi pa na hindi lamang sa paglabag sa Section 45 ng RA 7160 ang pagtatalaga ng Malacañang kay Christopher kundi kuwestiyonable rin ang kuwalipikasyon nito dahil hindi ito residente at rehistradong botante sa District 1.

Sa sertipikasyon na ipinalabas ng Comelec sa Caloocan, si Christopher ay hindi nakarehistro sa unang distrito at hindi rin bumoto rito noong nakaraang eleksyon. (Ulat ni Rose Tamayo)

CALOOCAN

CALOOCAN CITY REGIONAL TRIAL COURT JUDGE OSCAR BARRIENTOS

KONSEHAL NORA NUBLA

MAYOR REY MALONZO

NUBLA

ROSCA

ROSE TAMAYO

SANGGUNIANG PANGLUNGSOD

UNANG DISTRITO

WRIT OF PRELIMINARY INJUNCTION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with