Pagbagsak ng Huey resulta ng P7-B anomalya ng Air Force
May 4, 2005 | 12:00am
Hindi sana nangyari ang trahedya sa himpapawid tulad ng sinapit na kamatayan ni dating Phivolcs director Raymundo Punongbayan kung walang anomalyang naganap noong panahon ni dating Pangulong Fidel Ramos.
Ito ang halos paninising sinabi kahapon ni opposition Senate Minority Leader Aquilino Pimentel Jr. kasabay ng pahayag na ang sunud-sunod na pagbagsak ng mga Huey helicopters ay resulta ng maanomalyang P7 billion sa Philippine Air Force noong Ramos administration.
Ayon kay Sen. Pimentel, ang naturang pondo ay bahagi ng military modernization fund at nakalaan sana para sa pagbili ng mga bagong helicopters na may mga advance safety features, gayundin sa pagbili ng mga piyesa ng sasakyang panghimpapawid ngunit sa hindi malamang dahilan ay nawala na lamang ito na parang bula.
Dahil sa naturang anomalya, sinabi ni Pimentel na hindi lamang humina ang lakas at puwersa ng hukbong sandatahan, kundi nalagay din sa panganib ang buhay ng nakakarami.
Hiniling ni Pimentel sa Budget department at Bureau of Treasury na muling imbestigahan ang naturang scam upang mapanagot kung sinu-sino ang nakinabang sa naturang halaga. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest