Regine T. nabuking sa text messages

Matapos ang pagsasampa ng kasong P8.3 milyong estafa, nabunyag naman ang pagkakaroon umano ng relasyon ng sexy star na si Regine Tolentino sa ibang lalaki dahil sa mga text messages.

Ayon sa nagsampa ng kasong estafa na si Celso delos Angeles, isang mayamang negosyante, nai-save nito ang mga ipinadalang text messages sa kanya ni Regine.

Kalakip sa mensahe na ipinadala ni Regine kay delos Angeles ang mga kahilingang pinansiyal, pagpapadali ng annulment nito sa kanyang maybahay na si Connie na matagal na umanong hiniwalayan at ang panghihiram ng malaking halaga para sa ipinatatayong dance studio ni Regine.

Ilan sa mga sumusunod ay ang text messages sa cellphone ni Angeles. "Just got hom sweetheart, we’re so exhausted, i had d best tym love. U r d best hon. I felt so sad leaving, how I wish I cud stay & just be wid u my darling. I long 4 u sweetheart. How i wish tapos na prblm natin wid connie & landr. Sweetie, now I know how much i want 2 spend all my life wid u my love. Pls try to rush connie den I know landr will be easier 2 resolve. He’s no match 2 u hon. U better rest now my love & I’ll do d same. I love u soooo much my boy. I think dis is d only tym I felt dis way. It’s so different my love, Gud nyt my prince. Mwah!!! Thanks 4 my watch, stil admiring it. I treasure ur ring. Am so hapi u trusted me. U make me d happiest girl in d world honey. GOD BLESS U MY HUSBAND 2 BE.

Show comments