Ayon kay Jing Langomez, pangulo ng PARADA, maging ang mga OPAs na nabigyan ng certificates of eligibility bago ipatupad ang crackdown sa pagpasok ng mga Filipino entertainers sa Japan noong Marso 15 ay ayaw nang bigyan at kilalanin ng Japanese Immigration ang kanilang visa application.
Ayon kay Langomez, nagpadala na siya ng sulat sa tanggapan nina Senators Manuel Villar, Jinggoy Estrada at Ramon Revilla na humihiling na isailalim sa masusing imbestigasyon ang mga opisyal ng DOLE at DFA na sinasabing nagtaksil at ibinenta ang trabahong nakalaan para sa OPAs.
Bukod sa parusang dapat ipataw sa mga nag-hudas na opisyal ay hinihiling din ang PARADA kay Villar na kumbinsihin ang Malacañang na magkaroon ng re-opening negotiations sa pagitan ng Japanese government upang matalakay ang kanilang posisyon. (Ulat ni Mer Layson)