^

Bansa

‘Nag-hudas’ na DOLE, DFA officials pinasisiyasat sa Senado

-
Umapela kahapon ang grupo ng Philippine Association of Recruitment Agencies Deploying Artist (PARADA) sa Senado na isulong ang imbestigasyon laban sa mga opisyal ng pamahalaan na sinasabing "nag-hudas" at nagsilbing "makapili" sa makabagong panahon ng Overseas Performing Artist (OPAs) patungo sa Japan.

Ayon kay Jing Langomez, pangulo ng PARADA, maging ang mga OPAs na nabigyan ng ‘certificates of eligibility’ bago ipatupad ang crackdown sa pagpasok ng mga Filipino entertainers sa Japan noong Marso 15 ay ayaw nang bigyan at kilalanin ng Japanese Immigration ang kanilang visa application.

Ayon kay Langomez, nagpadala na siya ng sulat sa tanggapan nina Senators Manuel Villar, Jinggoy Estrada at Ramon Revilla na humihiling na isailalim sa masusing imbestigasyon ang mga opisyal ng DOLE at DFA na sinasabing nagtaksil at ibinenta ang trabahong nakalaan para sa OPAs.

Bukod sa parusang dapat ipataw sa mga nag-hudas na opisyal ay hinihiling din ang PARADA kay Villar na kumbinsihin ang Malacañang na magkaroon ng re-opening negotiations sa pagitan ng Japanese government upang matalakay ang kanilang posisyon. (Ulat ni Mer Layson)

AYON

BUKOD

JAPANESE IMMIGRATION

JING LANGOMEZ

JINGGOY ESTRADA

MER LAYSON

OVERSEAS PERFORMING ARTIST

PHILIPPINE ASSOCIATION OF RECRUITMENT AGENCIES DEPLOYING ARTIST

RAMON REVILLA

SENATORS MANUEL VILLAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with