Erap pinayagan sa b-day ni Doña Mary
April 30, 2005 | 12:00am
Sigurado nang makakadalo si dating Pangulong Joseph Estrada sa ika-100 taong kaarawan ng kanyang inang si Doña Mary sa Lunes (Mayo 2) matapos pagbigyan kahapon ng Sandiganbayan Special Division ang kanyang kahilingan.
Sa dalawang-pahinang resolusyon, pumayag ang anti-graft court sa kahilingan ni Estrada matapos na siguruhin ng PNP ang seguridad ng dating pangulo.
Una nang inihayag ni PNP Police Security and Protection Office (PSPO) Supt. Edgardo Doromal na kayang maglaan ng kinakailangang seguridad ang kapulisan para sa kaligtasan ng dating presidente.
Bukod dito, isa pang dahilan kung bakit pinagbigyan ng korte ang kahilingan ni Estrada ay dahil hindi rin kumontra ang prosekusyon.
Sinabi ni Special Prosecutor Dennis Villa-Ignacio na hanggang kayang magawa ng PNP ang karampatang seguridad para kay Erap ay hindi nila haharangin ang nasabing kahilingan.
Binigyan ng korte si Estrada ng pitong oras, mula alas-4 ng hapon hanggang alas-11 ng gabi para makadalo sa naturang selebrasyon na gaganapin sa Manila Hotel. (Ulat ni Malou Rongalerios)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest