Sa bagong alituntunin, kinakailangang makapasa ang mga teacher applicant sa isasagawang written examination sa English at Filipino, demonstration teaching at personal interview.
Ayon kay DepEd Sec. Florencio Butch Abad, sisiguruhin nila na ang lahat ng matatanggap na guro ay mga kwalipikado lamang.
Sa mga nakaraang taon naging basehan ng ahensiya ang pagpasa ng mga teacher applicant sa Licensing Examination for Teachers (LET) upang makapagturo sa mga pampublikong paaralan sa bansa.
Sinabi ni Usec. for Regional Operation Ramon Bacani na dahil sa hindi magandang resulta ng achievement test na kinuha ng mga guro at estudyante sa buong bansa ay napilitan silang baguhin at muling pag-aralan ang standard ng mga teacher applicant. (Ulat ni Edwin Balasa)