^

Bansa

Pagkuha ng mga guro hihigpitan ng DepEd

-
Dahil sa nakakaalarmang pagbaba ng antas ng edukasyon sa bansa ay minabuti ng Department of Education (DepEd) na magpalabas ng bagong alituntunin sa pagtanggap ng mga guro na magtuturo sa pampublikong paaralan sa elementarya at sekondarya.

Sa bagong alituntunin, kinakailangang makapasa ang mga teacher applicant sa isasagawang written examination sa English at Filipino, demonstration teaching at personal interview.

Ayon kay DepEd Sec. Florencio Butch Abad, sisiguruhin nila na ang lahat ng matatanggap na guro ay mga kwalipikado lamang.

Sa mga nakaraang taon naging basehan ng ahensiya ang pagpasa ng mga teacher applicant sa Licensing Examination for Teachers (LET) upang makapagturo sa mga pampublikong paaralan sa bansa.

Sinabi ni Usec. for Regional Operation Ramon Bacani na dahil sa hindi magandang resulta ng achievement test na kinuha ng mga guro at estudyante sa buong bansa ay napilitan silang baguhin at muling pag-aralan ang standard ng mga teacher applicant. (Ulat ni Edwin Balasa)

vuukle comment

AYON

DAHIL

DEPARTMENT OF EDUCATION

EDWIN BALASA

FLORENCIO BUTCH ABAD

LICENSING EXAMINATION

REGIONAL OPERATION RAMON BACANI

SINABI

ULAT

USEC

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with