^

Bansa

Justice, judges, court personnel salang sa drug test

-
Nagpalabas kahapon ng kautusan si Supreme Court Chief Justice Hilario Davide Jr., na isasailalim sa sorpresang drug testing ang lahat ng bumubuo ng hudikatura.

Sa ipinalabas na Memorandum, inatasan nito ang Office of the Court Administrator na pinamumunuan ni Justice Presbiterio Velasco, na magsagawa ng biglaan at random drug testing sa mga opisyal at kawani ng hudikatura.

Sakop ng kautusan ang Korte Suprema, Court of Appeals (CA), Sandiganbayan, Court of Tax Appeals (CTA), lahat ng Regional Trial Courts, Municipal at Metropolitan Trial Courts.

Sinumang lalabas na positibo sa paggamit ng iligal na droga ay papatawan ng kaukulang parusa katulad ng suspensiyon at pagkakasibak sa serbisyo.

Layunin ni Davide na masala ang mga miyembro ng hudikatura at mga kawani nito sa posibilidad na mayroong gumagamit ng bawal na gamot sa mga kawani ng opisyal na makakasira sa dangal, dignidad at integridad ng hudikatura. (Ulat ni Ludy Bermudo)

COURT OF APPEALS

COURT OF TAX APPEALS

JUSTICE PRESBITERIO VELASCO

KORTE SUPREMA

LAYUNIN

LUDY BERMUDO

METROPOLITAN TRIAL COURTS

NAGPALABAS

OFFICE OF THE COURT ADMINISTRATOR

REGIONAL TRIAL COURTS

SUPREME COURT CHIEF JUSTICE HILARIO DAVIDE JR.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with