Chopper crash: 9 patay
April 29, 2005 | 12:00am
Siyam katao ang kumpirmadong namatay, kabilang si dating Phivolcs director Raymundo Punongbayan, matapos bumagsak ang sinasakyan nilang helicopter ng Philippine Air Force (PAF) sa bulubunduking bahagi ng Mt. Namal, Gabaldon, Nueva Ecija kahapon ng umaga.
Bukod kay Punongbayan, kasama ring nasawi sina Dr. Norma Tungol, chief geologist ng Phivolcs; Dr. Jessie Taligdig, scientist ng Department of Science and Technology ng Phivolcs; Dindo Javier at Orland Apengoza mula sa Document section ng Phivolcs; pilotong si 1st Lt. Carduias at co-pilot nitong si 1st Lt. Salazar sa UHIH na may tail number Stringer 324 at dalawa pang sundalo na di nakuha ang mga pangalan.
Si Punongbayan ay kasalukuyan ring Governor ng Philippine National Red Cross (PNRC) at consultant ng National Disaster Coordinating Council (NDCC) sa Camp Aguinaldo.
Agad namang narekober ang sunog at lasog na bangkay ng mga biktima.
Ayon kay PAF spokesman Lt. Col. Restituto Padilla, umalis dakong alas-7 ng umaga ang UH-1H Huey helicopter sa Villamor Air Base sakay ang mga biktima at dumating sa Fort Magsaysay ng 7:40 para magkarga ng fuel.
Dakong 8:41 nang muling lumipad ang helicopter patungong Dingalan, Aurora, Quezon kung saan napaulat itong nawawala at nag-crash bandang 10:47 ng umaga.
Ang biyahe kahapon ni Punongbayan ay bahagi ng danger zone mapping ng Red Cross kung saan nagsasagawa sila ng aerial survey kung paano maililigtas ang mga residente na naninirahan sa mapanganib na lugar sa Aurora.
Pabalik na ang nasabing helicopter nang hampasin umano ng malakas na hangin at sumalpok sa nasabing kabundukan na dahilan ng pagsabog nito.
Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng PAF sa sanhi ng pagbagsak ng helicopter.
Pansamantala namang ipinatigil ni Lt. Gen. Jose Reyes, commanding general ng PAF ang pagpapalipad ng UH-1H Huey choppers ng PAF habang hindi pa nadedetermina ang air worthiness ng mga aircraft. (Ulat nina Butch Quejada at Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest