Ito ang inihayag ng Commission on Elections (Comelec) bilang panawagan sa mga nagnanais na kumandidato bilang gobernador at bise-gobernador sa apat na lalawigang sakop ng ARMM.
Sinabi ni Comelec Commissioner Benjamin Abalos na tuloy ang eleksiyon sa ARMM matapos na mapapayag ang Kongreso na magpalabas ng P200 milyon na supplemental fund na gagamitin ng Comelec para isakatuparan ang nasabing halalan sa nasabing rehiyon sa Mindanao. Gayunman, dadaan pa sa plenaryo ang nasabing usapin bago maaprubahan ang nasabing pagpapalabas ng pondo. (Ellen Fernando)