Ayon sa liham na ipinadala ng mga empleyado kay Lim, dapat anilang matukoy sa isasagawang imbestigasyon ng Senado kung sinu-sino ang dapat managot sa nasabing anomalya.
Hiniling din nila na suspindihin muna si Kho bilang manager habang isinasagawa ang imbestigasyon.
Nabatid na nag-ugat ang nasabing anomalya nang kunin ng DFP bilang agent ang Vision Works Inc. upang siyang mamahala sa paglalagay ng commercial ng ahensya sa CNN-Asia at sa Times at Fortune magazines sa nasabing halaga na walang kaukulang bidding mula Abril hanggang Hunyo, 2004.
Lumilitaw din sa mga voucher na nagkaroon umano ng "overpricing" sa tunay na halaga ng broadcast ads sa CNN na pinaniniwalaang mayroong sabwatan ng Vision Works at ni Kho bilang pinuno ng DFP.
Napag-alamang hindi isang ad agency ang Vision Works kundi supplier ito ng tarpoulin bukod sa wala itong kuwalipikasyon para hawakan ang katulad na transaksyon. (Rudy Andal)