Ayon kay AFP- Public Information Office Chief Lt. Col Buenaventura Pascual, ang bangkay ni Staff Sgt. Antonio Batomalaque ay inilapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) lulan ng Philippine Airlines (PAL) flight-103 dakong alas-6 ng umaga.
Idineretso ang bangkay ni Batomalaque sa himpilan ng Phil. Air Force (PAF) sa Villamor Air Base sa Pasay City kung saan pinagkalooban ito ng "heros welcome" saka ipinarada sa Philippine Army wing sa Fort Bonifacio, Makati City bago ito itinuloy sa Camp Aguinaldo upang iburol ng ilang araw sa St. Ignatius Chapel.
Nakatakda namang ihatid sa kanyang huling hantungan si Batomalaque sa darating na Abril 30 sa Libingan ng mga Bayani.
Magugunita na si Batomalaque, miyembro ng 135-man team ng RP Humanitarian Mission na pinamumunuan ni Lt. Col. Daniel Lucero ay namatay sa sniper fires ng mga gangsters habang nagsasagawa ng civic mission project sa Port-au-Prince sa Haiti noong nakalipas na Abril 14. (Joy Cantos )