Tita Cory payag nang buksan ang Aquino-Galman case
April 24, 2005 | 12:00am
Pumayag na si dating Pangulong Corazon "Cory" Aquino na muling buksan ang Aquino-Galman double murder case.
Sinabi ni Atty. Persida Rueda-Acosta, hepe ng Public Attorneys Office (PAO) na nag-fax na ng kanyang kumpirmasyon si Atty. Rene Saguisag, abogado ng pamilya Aquino kung saan nakasaad na pumayag na ang pamilya Aquino na muling mabuksan ang kaso ng pagpaslang kay dating Sen. Benigno "Ninoy" Aquino at security escort nito na si Rolando Galman.
Magugunitang iginigiit ng PAO sa Korte Suprema na muling buksan ang nasabing kaso base sa mga bago nilang nakalap na testimonya at mga dokumento.
Batay sa findings ng mga forensic experts mula sa University of the Philippines (UP), si Galman ang pumatay kay Ninoy. Ito naman ay taliwas sa findings noon ng Sandiganbayan na mga sundalo mula sa binuwag na Aviation Secuirty Command (AVSECOM) ang bumaril sa senador sa tarmac ng dating Manila International Airport (ngayon ay NAIA).
Una nang inimbitahan ni Acosta ang pamilya Aquino kabilang sina Gng. Aquino, Cong. Butz Aquino at Noynoy Aquino para tingnan ang mga ebidensyang kanilang nakalap hinggil sa nasabing kaso.
Ipinadala naman ni Cory si Saguisag para siya na lamang makipag-ugnayan sa PAO.
Sinabi ng dating Pangulo na hindi niya prayoridad sa ngayon ang muling pagbubukas ng nasabing kaso. Dahilan dito ay ipinauubaya na lamang niya kay Saguisag ang pag-aaral sa findings ng UP forensic experts.
Ayon kay Acosta, nagtalaga na si Saguisag ng isa niyang associate para tutukan ang naturang kaso.
Hinihintay naman ng PAO ang written confirmation mula mismo sa pamilya Aquino na pumapayag silang muling buksan ang nasabing kaso.
Aniya, ito ang ilalakip nila sa kanilang inihaing motion for reconsideration sa Korte Suprema para lumakas ang tiyansa na mapagbibigyan ng korte ang kanilang kahilingan. (Ulat ni Anna Sanchez)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am