Ayon kina Bayan Muna Rep. Satur Ocampo at Gabriela Rep. Liza Maza, haharangin nila sa SC ang pagpapatupad ng nasabing EO dahil labag ito sa batas.
Naniniwala si Maza na maaaring maabuso ang paggamit ng nasabing ID lalo aniyat may "fascist mindset" ang mga awtoridad.
Labag din aniya iro sa basic human rights dahil matitiktikan na ng gobyerno ang kilos ng mga mamamayan.
Nagtataka naman si Ocampo kung bakit isinusulong pa rin ang ID System na sinimulan noon pang 1988 habang hepe pa ng Armed Forces of the Philippines si dating Pangulong Fidel Ramos.
Noong naupong presidente si Ramos, nagpalabas na rin siya ng Administrative Order 308 para sa pagpapatupad ng ID system pero hindi ito naisakatuparan.
Kapwa naniniwala sina Maza at Ocampo na maaaring gamitin ang nasabing ID sa mga kalaban ng gobyerno.
Idinagdag ni Maza na responsibilidad ng Kongreso ang pagpapasa ng panukala hinggil sa ID system at hindi ito maaaring ipatupad dahil lamang sa isang EO na ipinalabas ng Pangulo. (Ulat ni MRongalerios)