Pinay patay sa Paris hotel fire
April 21, 2005 | 12:00am
Isang Pinay ang kabilang sa 22 nasawi sa naganap na malaking sunog sa Paris Opera Hotel sa Central Paris, France kamakailan.
Sa ulat na tinanggap kahapon ng Department of Foreign Affairs (DFA) nabatid na ang biktima ay nakilalang si Maira Padayao, tubong Balindong, Lanao del Sur.
Namatay din sa sunog ang mister ni Padayao na si Rajpakseo Pisarge, isang Sri Lankan at dalawa nilang anak na sina Rouch Padayao, 4 yrs. old, habang ang isa ay hindi pa batid ang pangalan. Si Padayao ay miyembro ng Filipino-Muslim Community sa France.
Naka-check in sa ika-anim na palapag ng Paris Opera Hotel sa France ang mga biktima ng maganap ang malaking sunog noong nakaraang Biyernes. Suffocation ang naging dahilan ng pagkamatay ng pamilya ni Padayao.
Hindi na iuuwi sa bansa ang labi ni Padayao dahil na rin sa kahilingan ng pamilya ng kanyang asawa na sama-sama na lamang i-cremate tulad ng nakaugalian sa nasabing bansa. (Ulat ni Mer Layson)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended