Conclave bigong makapili ng bagong Papa
April 20, 2005 | 12:00am
Matapos ang halos tatlong oras na pagkukulong sa Sistine chapel ay bigo pa ring makapili ng bagong Santo Papa ang conclave na binubuo ng 115 cardinals (mula sa 52 bansa) matapos itim na usok ang lumabas sa chimney ng Vatican sa ginanap na una at ikalawang araw ng botohan.
Inakala ng may 1.4 bilyong Katoliko na nag-aabang sa labas ng chapel na mayroon nang napiling Papa dahil sa kulay gray ang usok na lumabas mula sa chimney subalit mabilis din itong nagkulay itim.
Hindi na nakasama sa conclave si Cardinal Jose Sanchez dahil lampas 80 na ang edad nito.
Nagsagawa naman ng isang misa kahapon bandang 7:30 ng umaga sa cardinals living quarters at muling mag-aassemble sa chapel sa alas-9 kung saan tig-dalawang botohan sa umaga at alas-4 sa hapon ang magaganap.
Ang balota simula sa umaga ay posibleng sunugin sa bandang tanghali at ang balota mula sa hapon ay susunugin bandang alas-7 ng gabi.
Tatlong pangalan ang puwedeng pagpilian ng mapipiling Santo Papa John, Gregory o Benedict o puwede ring sundin ang pangalan ng dating Papa at maging Pope John Paul III ito.
Nabatid na ang pagpili ng susunod na Papa ay karaniwang nagtatagal hanggang limang araw subalit sa kaso ni Pope John Paul II ay napili ito sa ikatlong araw ng botohan.
Tiniyak naman ni Sanchez na hindi mangyayari ang naganap noong pumanaw si Pope Clement IV noong 1269 kung saan ay tatlong taon nabakante ang holy sea bago nahalal si Pope Gregory X dahil walang makuhang 2/3 majority vote. (Ulat nina Gemma Amargo-Garcia/Mer Layson)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended